Saturday, March 13, 2010

Hallu

Sa mga unang araw ko sa PGH, naging hamon sa akin sa pagsabay sa tawag ng pangangailangan ng institusyon. Malaki na ang inaasahan sa akin dahil ako'y isa nang Consultant (ngunit alila pa rin). Marami din akong nakasalamuhang mga tao dito, at sa kabuuuan ay mababait naman sila. Syempre, may nakabangga din akong mga 2004A na nais kong ibalita sa blog na ito.

Una kong nakita si Maan Festin, na kakatapos lang mag-OB Gyne dito. Kumukuha sya ngayon ng Sonology Fellowship Training at mag-e-exam sya sa mga susunod na buwan ngayong taon. Good Luck Maan! Habang nag-rounds ako, nakita ko rin si Joey Guerzon, na nasa Family Medicine. Di nya ata ako nakilala, kasi mas kalbo gupit ng buhok ko, kaya di kami nakapag-kumustahan.

Pasyente ko sa Dialysis naman ang tatay ng isa sa ka-Grupo ni Joey, si Joee Gloria. Kaya tuwing miyerkules, nagkikita kami. Di pa sya nagsisimula ng Training para alagaan ang tatay niya. Sana makapagsimula na siya. At habang nasa Dialysis ako ay nakita ko rin si Ryan Cablitas na nasa Urology naman. Nagtatahi ako ng kinabit kong IJ Cathter nang nagkausap kami ng konti at kinurot pa pisngi ko, dahil nga tumaba ako.

Hay! Maliit talaga ang mundong ginagalawan ng Duktor! Sa susunod na blog ay kumustahin natin ang mga nag-Fe-Fellowship na gaya ko. Babu!

No comments:

Post a Comment