Dahil nasa ospital ako uli pagkatapos ng 1 buong taon, may mga bagay na kailangan akong uling mag-adjust. Syempre, isa na dyan ang pagbawas sa aking pag-internet. Araw-araw ko pa rin namang nache-check ang e-mail ko at balitang NBA pero dahil na rin sa limitasyon ng server ng PGH, di na ko nakakapag-Facebook sa regular na araw. Sa buwang ito, ang regular kong araw ay Lunes hanggang Sabado, alas-7:30 ng umaga hanggang alas-10:30 ng gabi. Kaya linggo na lang talaga ang aking oras sa FB.
Kaya't laking gulat ko nang nakatanggap ako ng isang litrato nung makalawa na akala ko ay picture na kasama ako dahil may "tag" (kung di niyo alam ito, di kayo nag-fa-Facebook). Yun pala ay larawan ng babasaging bride at groom na nakasakay sa kotse at may mga katagang nakasulat na "Mark this date: May 16, 2010".
Ito ay ang araw ng pag-iisang didib nina Mark Joseph "Trillanes" Avendano at Cheryl Gryne Carino. Sa pagkakabilang ko, 8 taon na silang magsing-irog kaya siguro mainam na para sila'y magsama na (eight-year itch?). Mapalad ako na ako'y imbitado, at ayon kay Cheryl, imbitado din ang mga ka-grupo niya (Tony Carlos, Heidi Castillo, Jemar Castillo! etc.), mga ka-grupo ni Mark (Bong Arcilla, Leslie Asuncion, Mary Fe Asuncion! etc.) at mga ka-grupo kong celebrity (Heidi Barola, Mildred Bolisay at Rodelie Banico). Ito na ata ang pinaka-malaking pagtitipon ng mga 2004A. Yung sa kasal nina Aris at Michelle nung Enero, marami ang pumunta kaya excited ako para dito para makumusta sila sa kanilang mga buhay-buhay. Ibabalita ko ang mga pangyayari pagkatapos ng nasabing pangyayri.
Sa linggo pa susunod kong pagbisita sa FB. Excited ako kung anong sorpresa ang naghihintay sa akin.

No comments:
Post a Comment