Tuesday, March 23, 2010

Facebook Sundays

Dahil nasa ospital ako uli pagkatapos ng 1 buong taon, may mga bagay na kailangan akong uling mag-adjust. Syempre, isa na dyan ang pagbawas sa aking pag-internet. Araw-araw ko pa rin namang nache-check ang e-mail ko at balitang NBA pero dahil na rin sa limitasyon ng server ng PGH, di na ko nakakapag-Facebook sa regular na araw. Sa buwang ito, ang regular kong araw ay Lunes hanggang Sabado, alas-7:30 ng umaga hanggang alas-10:30 ng gabi. Kaya linggo na lang talaga ang aking oras sa FB.

Kaya't laking gulat ko nang nakatanggap ako ng isang litrato nung makalawa na akala ko ay picture na kasama ako dahil may "tag" (kung di niyo alam ito, di kayo nag-fa-Facebook). Yun pala ay larawan ng babasaging bride at groom na nakasakay sa kotse at may mga katagang nakasulat na "Mark this date: May 16, 2010".

Ito ay ang araw ng pag-iisang didib nina Mark Joseph "Trillanes" Avendano at Cheryl Gryne Carino. Sa pagkakabilang ko, 8 taon na silang magsing-irog kaya siguro mainam na para sila'y magsama na (eight-year itch?). Mapalad ako na ako'y imbitado, at ayon kay Cheryl, imbitado din ang mga ka-grupo niya (Tony Carlos, Heidi Castillo, Jemar Castillo! etc.), mga ka-grupo ni Mark (Bong Arcilla, Leslie Asuncion, Mary Fe Asuncion! etc.) at mga ka-grupo kong celebrity (Heidi Barola, Mildred Bolisay at Rodelie Banico). Ito na ata ang pinaka-malaking pagtitipon ng mga 2004A. Yung sa kasal nina Aris at Michelle nung Enero, marami ang pumunta kaya excited ako para dito para makumusta sila sa kanilang mga buhay-buhay. Ibabalita ko ang mga pangyayari pagkatapos ng nasabing pangyayri.

Sa linggo pa susunod kong pagbisita sa FB. Excited ako kung anong sorpresa ang naghihintay sa akin.

Saturday, March 13, 2010

Hallu

Sa mga unang araw ko sa PGH, naging hamon sa akin sa pagsabay sa tawag ng pangangailangan ng institusyon. Malaki na ang inaasahan sa akin dahil ako'y isa nang Consultant (ngunit alila pa rin). Marami din akong nakasalamuhang mga tao dito, at sa kabuuuan ay mababait naman sila. Syempre, may nakabangga din akong mga 2004A na nais kong ibalita sa blog na ito.

Una kong nakita si Maan Festin, na kakatapos lang mag-OB Gyne dito. Kumukuha sya ngayon ng Sonology Fellowship Training at mag-e-exam sya sa mga susunod na buwan ngayong taon. Good Luck Maan! Habang nag-rounds ako, nakita ko rin si Joey Guerzon, na nasa Family Medicine. Di nya ata ako nakilala, kasi mas kalbo gupit ng buhok ko, kaya di kami nakapag-kumustahan.

Pasyente ko sa Dialysis naman ang tatay ng isa sa ka-Grupo ni Joey, si Joee Gloria. Kaya tuwing miyerkules, nagkikita kami. Di pa sya nagsisimula ng Training para alagaan ang tatay niya. Sana makapagsimula na siya. At habang nasa Dialysis ako ay nakita ko rin si Ryan Cablitas na nasa Urology naman. Nagtatahi ako ng kinabit kong IJ Cathter nang nagkausap kami ng konti at kinurot pa pisngi ko, dahil nga tumaba ako.

Hay! Maliit talaga ang mundong ginagalawan ng Duktor! Sa susunod na blog ay kumustahin natin ang mga nag-Fe-Fellowship na gaya ko. Babu!

Tuesday, March 2, 2010

Paalam TNSA?

Una, salamt sa Poong Maykapal sa pagtulong sa kin nitong nakaraang mga linggo. Talagang sa kanya, walang imposible! Sa lahat ng nagdasal sa aking pagpasa sa PCP Diplomate Exam, maraming salamat po!

Salamat sa mga nagpahayag ng pagkatuwa sa aking pagpasa: Gidget, Dr. Zamora, Koya Jay, Marz (sana maka-Gastro ka na), Mama Lerms (Mag-exam ka na rin sa 2011), Doc Allen, Yen, Cons (Good Luck sa IM), Sigrid (Ikaw din), Bart, Dr. Santos, Dra. Dial, Aven, Lambert, Andrew, Dra. Paragua, Dra. Luspo, Boss Rods, Boss George at sa mga bumati sa FB!

Salamat din sa PGH Section of Nephrology sa pagbigay sa kin ng oportunidad na maging bahagi na kanilang pamilya. Sana matupad ko ang aking tungkulin para magkatotoo ang aking pangarap na maging Nephrologist!

Salamat kay Aris, na nag-imbita sa akin nung enero 9 sa kanyang kasal sa Betis, Pampanga. Isang karangalan ang makasama ako para masaksihan ang nasabing pangyayari.

Salamat sa aking Mommy & Daddy dear, kay Dice, Buks, Jong & Juax. Kaya Nanay, salamat sa pag-aruga po sa akin, ngayon ako naman po ang mag-aalaga sa inyo.

Huli, ngunit mahalaga din sa kin, si Rhinel. Honey, mahal na mahal kita. Di ako perpektong tao ngunit tinanggap mo ko bilang ako. Sana mapalago natin ang ating pag-ibig at magkaroon ng magandang pamilya!